FAQ
-
1 Paano ako nagkaroon ng March Bill na wala namang meter reader na nagbasa sa aking metro?
Ang ISELCO I bilang pakikiisa sa hangarin ng gobyerno na maipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay hindi nagsagawa ng actual meter reading kung kaya’t ang naging basehan ng konsumo sa kuryente ay ang average consumption ng konsumidores sa nakalipas na tatlong buwan mula Disyembre 2019, Enero at Pebrero 2020. Ito ay alinsunod sa alituntunin ng Distribution Services and Open Access Rules (DSOAR) ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pamamagitan ng averaging of consumption. Anumang kakulangan o kalabisan sa March Bill ay i-aadjust sa April Bill. -
2. Ano ang naging basehan ng ISELCO I sa pagtukoy ng konsumo para sa buwan ng Marso?
Ang basehan ng ISELCO I sa pagtukoy ng konsumo para sa buwan ng Marso ay ang average ng konsumo sa nakalipas na tatlong buwan (Disyembre 2019, Enero at Pebrero 2020) bago ang buwan ng Marso. Halimbawa, si Juan Dela Cruz ay isang residential konsumidores ng Alicia, Isabela. Ang kanyang March Bill ay natukoy kagaya ng sumusunod: -
3. Bakit may nagpapakitang arrears sa aking April Bill?
Ang nakikitang arrears sa April Bill ay tumutukoy sa hindi pa nabayarang konsumo sa mga nakalipas na buwan o para sa March Bill na nakuha sa pamamagitan ng averaging of consumption dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine. Para sa inyong Statement of Account ng March Bill, ibibigay po ang kopya nito sa Branch Office. -
4. Bakit tumaas ang aking April Bill kumpara sa aking March Bill?
Ang mga kadahilanan kung bakit tumaas ang ating April bill ay ang mga sumusunod:1) Estimated ang resulta ng averaging of consumption para sa March bill, dahil ang batayan ay ang buwan ng Disyembre 2019, Enero at Pebrero 2020 na pawang malalamig na buwan kung saan mababa ang ating naging konsumo;2) Dahil sa ipinatutupad na “Stay at Home” habang kasalukuyan ang Enhanced Community Quarantine at sa mainit na panahon ng Marso at Abril, maaaring nadagdagan ang oras ng pamamalagi sa bahay at pagkonsumo ng kuryente ng mga tao sa kanilang tahanan; at3) Bahagyang pagtaas ng taripa na aprobado ng ERC ay nagbabago kada buwan. -
5. Bakit hindi na lang pag-isahin ang bill para sa buwan ng Marso at Abril at i-disregard na lang ang averaging of consumption sa buwan ng Marso?
Hindi ito maaaring gawin dahil hindi ito naaayon sa patakaran ng ERC na dapat monthly ang billing. Magreresulta din ito sa 100% system loss ng Kooperatiba sa kadahilanang kada buwan ang billing ng ating power suppliers. -
6. Maaari bang bumaba ang aking power bill ngayong Enhanced Community Quarantine?
Opo. Maaari itong bumaba sa mga establisyemento na nanatiling sarado sa panahaon ng Enhanced Community Quarantine katulad ng malls, hotels, opisina, pwesto sa palengke at iba pa na dating mayroong mataas na konsumo ng kuryente. -
7. Paano ako magbabayad ng aking power bill ngayong panahon ng Extended Enhanced Community Quarantine (EECQ)?
Maaari po tayong magbayad sa ating mga bukas na Branch Office at Drive Thru Collection Centers sa Batal, Santiago City, Garit Sur, Echague at San Fermin, Cauayan City. Maaari din tayong magbayad sa ating mga accredited Bayad Centers. Kabilang po dito ang online banking gaya ng sumusunod: -
8. Tumaas din ba ang halaga para sa pass through charges tulad ng Generation Charges, Transmission Charges, at iba pang charges?
May bahagya pong pagtaas sa pass through charges o mga karagdagang bayarin na ipinasa lamang ng gobyerno na sisingilin ng Kooperatiba sa mga konsumidores. Kapag mataas ang pass through charges at maliit ang sales para sa buwan ng Marso, inaasahan po ang pagtaas ng taripa. -
9. Nababago ba ang rehistro ng kilowatt-hour meter?
Hindi po nababago ang rehistro ng kilowatt-hour meter dahil ito ay isang electrical device na nakalagay sa mga poste at household premises na nakikita ng mga konsumidores. Selyado at dumaan din ang mga ito sa laboratory tests ng ERC. Kung ano lang ang dumaang konsumo sa inyong metro, yun lamang po ang mairerehistrong actual na konsumo ng isang konsumidores. -
10. Paano ko po malalaman kung accurate ang aking electric consumption?
Maari po nating pagkumparahin ang present reading ng ating current bill sa rehistro ng ating mga metro. -
11. Paano po kung may pagkakaiba sa present reading na nakasulat sa aking Statement of Account at sa rehistro ng aking metro?
Maaari po ninyo itong ipagbigay alam sa ating mga Branch Office o mag-email sa mga sumusunod na ISELCO I Inquiry Accounts para sa maagap at kaukulang aksyon:Santiago City/Cordon
iselco1santiago@gmail.com
Ramon
iselco1ramon@gmail.com
San Mateo
iselco1sanmateo@gmail.com
Cabatuan/Luna
iselco1cabatuan@gmail.com
Cauayan City/Reina Mercedes
iselco1cauayan@gmail.com
Alicia
iselco1alicia@gmail.com
Angadanan/San Guillermo
iselco1angadanan@gmail.com
Echague/San Isidro
iselco1echague@gmail.com
Jones/San Agustin
iselco1jones@gmail.com
-
12. Magpapatupad ba ang Kooperatiba ng disconnection activities ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine?
Hindi po. Pansamantalang itinigil ng Kooperatiba ang disconnection activities sa lahat ng kanyang nasasakupan bilang pagsunod sa direktiba ng gobyerno. -
13. Magpapataw ba ang Kooperatiba ng Service Fee habang kasalukuyan ang Enhanced Community Quarantine?
Hindi po. Pansamantalang sinuspinde ang pagpapatupad ng Policy No. 004-2019 o pangongolekta ng Service Fee habang kasalukuyan ang Enhanced Community Quarantine? -
14. Libre po ba ang bayarin ng kuryente ng konsumidores na kumukunsumo ng 50kwh ayon sa balita?
Hindi po. Ang mga marginalized member-consumer-owners lamang na may konsumong 29 kwh pababa para sa buwan ng Abril ang hindi na magbabayad ng kanilang bill para sa nasabing buwan. Ang pagpapasa ng mga guidelines ay nakadepende sa kakayanan ng electric cooperative dahil mahalagang isaalang-alang ang kakayahang pinansyal ng EC sa pagpili ng kung sino ang benepisaryo ng programa.